Sa isang video ay pinahayag ni Sen. Risa Hontiveros ang pagkadismaya nito sa pagbabalik operasyon ng POGO o Philippine Offshore Gaming Operator sa bansa, na halos lahat ng manggagawa nito ay Chinese.
"Nakakadismaya na inuna pang ibalik sa trabaho ang POGO workers kaysa mga kababayang Pilipino natin, PAGCOR has to explain" pahayag ni Hontiveros.
Matatandaang naging mainit ang usapin ng pananatili ng POGO dito sa Pilipinas dahil sa pagkadawit nito sa iba't-ibang anomalya.Kabilang sa mga anomalyang kinasasangkutan ng POGO workers ang money laundering, prostitution dens, hindi pagbayad ng buwis sa pamahalaan.
Ngunit sa kabila ng mga paratang na ito sa POGO workers ay nagpahayag noon pa ang pangulo na hindi siya naging malambot sa Chinese POGO workers.
“I disagree. Many do not know this President. The President is never soft on anything that relates to the national interest. He’s a very decisive President,” pahayag ni Panelo.
Dagdag pa ni Hontiveros, nangangamba daw siya sa mobility ng mga POGO workers dahil halos lahat ng mga POGO workers na sa humigit kumulang 100,000 na mga manggagawa ay nasa NCR at sa nasabing rehiyon din ang epicenter ng epidemyang COVID-19.
Balik Operasyon ng POGO, ikinadismaya ni Risa Honteveros
Reviewed by PinoyNewsHub
on
May 01, 2020
Rating:
No comments: