Inanunsyo ni presidential spokesperson, Harry Roque, na magbibigay ng pabuya ang pangulo sa sinumang maka-report na mga corrupt officials na nabubulsa ng mga ayuda para sa mahihirap.
![]() |
Kagawad Danilo Flores ng Hagonoy, Bulacan |
Bunsod ito sa pag-viral ng video ng kagawad ng Hagonoy, Bulacan na si Danilo Flores na kung saan binawi umano ang kalahit ng Social Amelioration Program(SAP) na binigay sa mga residente.
Sa kagustuhan ng pangulo na matigil na ang pangungurakot pagdatin sa SAP o sa iba pang ayuda ng gobyerno ay gagawaran ng pangulo ang sinumang makasumbong sa kaniya ng mga kurakot na local government officials.
"Tumawag lang po kayo sa 8-8-8-8, syempre po kung gusto niyo ng ayuda ay mag-iiwan kayo ng pangalan at telephone number" ani ni Roque.
![]() |
Spox. Harry Roque |
Kapag napatunayan ng sinoman nagsumbong sa mga kurakot na local government officials ay hindi magdadalawang-isip na bigyan ang sinoman ng Php 30,000.
Duterte: 30k Reward, sa sinomang maka sumbong na kurakot sa gobyerno
Reviewed by PinoyNewsHub
on
May 04, 2020
Rating:

No comments: