Sa kabila ng mga violation na linabag si MGen. Dibold Sinas dahil sa "Manañita Issue" nito na harapang nilabang ang quarantine/lockdown guidelines ay patuloy parin itong manunungkulan bilang NCRPO chief ayon kay Philippine National Police(PNP) chief Gen. Archie Gamboa.
Ani ni Gamboa, hindi pweding tanggalin ngayon si Sinas sa serbisyo dahil sa importanteng papel na ginagampanan nito sa kasulukuyang pandemic na COVID-19.
"Yes, I hope public would understand. Kasi nandito tayo sa ganito nga, emergency situation. Pag palitan mo siya, we will never know. Napakahirap palitan dahil ang dami niyang programa in terms, in relation sa COVID,” pahayag ni Gamboa sa panayam nito sa dzMM.
Dagdag pa ni Gamboa, nang manungkulan si Sinas bilang NCRPO chief ay marami na itong napahintong illegal na mga pasugalan sa kalakhang maynila.
“Yes, there are still a lot. Meron kaming campaign against illegal drugs and alam naman natin na nung umupo siyang NCRPO, huminto talaga yung illegal gambling sa National Capital Region,” Gamboa said.
Matatandaan noong nakaraang linggo, si Sinas at labing-walong(18) kasama nitong opisyales ay kinasuhan ng kasong administratibo at kriminal ng PNP-Internal Affair Service(IAS) dahil sa mga paglabag nito sa physical distancing protocol sa birthday party nito sa Camp Bagong Diwa.
Mahirap palitan si Sinas-PNP Chief Gamboa
Reviewed by PinoyNewsHub
on
May 18, 2020
Rating:

No comments: