Sports

OFW, hindi na boluntaryong magbayad sa PhilHealth premium contribution

Hindi na oobligahin ang Overseas Filipino Workers(OFW) na magbayad ng premium contribution sa PhilHealth ayon sa bagong kautusan ni inilabas ni pangulong Duterte.

Ginawa ni pangulong duterte na boluntaryo o hindi sapilitan ang pagbabayad ng PhilHealth premium contribution. Ayon kay presidential spokesperson, Harry Roque, paraan nito ng pangulo para hindi na magkaroon pa ng dagdag pasanin sa mga OFW, lalo na ngayong kasagsagan ng krisis.

Photo Credits to PhilStar Video


Sinabihan narin ng pangulo ang Philippine Overseas Employment Administration(POEA) at Overseas Workers Welfare Administration(OWWA) na hindi na ito gawing requirement sa pagbibigay ng mga ahensya ng oversease employment certificate.

Samantala, kabilang diyan ay nagbigay na rin si Roque ng iba't-ibang update hinggil sa pagpupulong ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases(IATF). Sabi nga niya, mula sa 18 million ay dinagdagan pa ng 5 million o 23 million pamilya sa kabuuan ang naka-benipisyo sa social amelioration program(SAP).

Inirerekumenda narin ng IATF na isama narin ang Albay at Zamboanga City na isama sa Enchanced Community Quarantine(ECQ) at hinihintay na lamang ang pag-apruba ng presindente ukol dito.

Nabanggit rin ni Roqeu ang pagkaka-aresto ni dating senador Jinggoy Estrada na nagpapaalala na mas mabuting makipag-ugnayan muna sa Local Government Unit(LGU) bago magkawanggawa para na sa kaayusan at legal ang proseso lahat.

OFW, hindi na boluntaryong magbayad sa PhilHealth premium contribution OFW, hindi na boluntaryong magbayad sa PhilHealth premium contribution Reviewed by PinoyNewsHub on May 04, 2020 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.