Sa kabila ng pinagdadaanan ng lipunan sa paglaban sa masalimuot na COVID-19 ay hindi parin nawawala ang mga taong mapagsamantala sa kasalukuyang sitwasyon. Ito ay matapos mahulihan ng 152,000 na halaga ng shabu ang isang nagpapanggap na isa kuno siyang frontliner.
Hindi umubra ang palusot ng isang lalaking ito matapos sitahin siya ng checkpoint sa kahabaan ng Mc Arthur Hi-Way Brgy, Lolomboy Bocaue Bulacan, na nagdala di umano ng pagkain sa mga frontliner na pulis.
Kinilala ni PLt.Col. Rizalino Andaya ang suspek na si Anthony Medina y Pingol, 39 taong gulant, isang tattoo artist at isang residente ng Barangay Gaya-Gaya, San Jose De Monte City.
Nakasakay ang suspek sa isang motorsiklo na walang lisensya at official receipt(OR) / certificate of registration(CR) na kasama ring kinumpiska.
Sa loob ng silver box ng motorsiklo ay nakuha ang anim(6) na maliliit na plastic sachets na hinihinalang shabu at bawat isa ay may timbang na humigit-kumulang 25 gramo, sa nagkakahala ng kabuuan 152,000 pesos.
Pekeng Frontliner, nahulian ng 152K na halaga ng Shabu
Reviewed by PinoyNewsHub
on
May 08, 2020
Rating:

No comments: