Sports

ABS-CBN, tigil operasyon muna ayon sa NTC

Pinatigil ng National Telecommunications Commission (NTC) ang operasyon ng giant mainstream media na ABS-CBN sa ng kanilang istasyon sa radyo at telebisyon, matapos na mag-expire ang kanilang 25-year operating franchise ng kumpanya, kahapon, May 4. 

Batay sa Cease and Desist Order (CDO) na inisyu ng NTC, nakasaad dito na dapat ng itigil ng network ang pag-operate ng kanilang iba't-ibang istasyon sa TV at radyo sa boung bansa sanhi ng kawalan ng congressional franchise na nakasaad sa batas.



"Upon the expiration of RA 7966, ABS-CBN no longer has a valid and subsisting congressional franchise as required by Act No. 3846," batay sa isyung CDO.

Ayon kay House Speaker Alan P. Cayetano, sa pakikinayam ng CNN sa kaniya ay sinabi nito na walang balak ang kongreso na ipasara ang media network.

Dagdag pa niya, sinabihan na nila ang NTC na payagan parin ang media network sa pag-ooperate habang nakabinbin pa ang franchise renewal bill sa kongreso.


ABS-CBN, tigil operasyon muna ayon sa NTC ABS-CBN, tigil operasyon muna ayon sa NTC Reviewed by PinoyNewsHub on May 05, 2020 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.