Sports

Hindi alam ng mga artista tungkol sa ABS-CBN

Naging kontrobersyal ang pagsasara ng ABS-CBN noong lunes, May 4, maraming mga artista nito ang nag labas ng kanilan sama ng loob. Kabilang na dito ang mga malalaking pangalan sa industriya. 

Isa na dito ang lead artist ng Ang Probinsyano. “Hindi man ako kasing talino ng iba, alam ko at malinaw sa akin na mali at kawalang katarungan ang tanggalan ng hanapbuhay ang ilang libong empleyado,” pahayag ni Coco Martin.




Kasunod nito ay nag rally ang lahat ng maggagawa ng ABS-CBN na umaabot daw sa 11,000 ka tao ang umaasa sa nasabing network at ganyan din daw karami ang mawawalan ng trabaho pag pinasara ang ABS-CBN. 

Ngunit, sa nilabas na ulat ng Bureau of Internal Revenue(BIR), mayroon lamang daw kabuuang 4,401 na empleyado. Malayo sa sinasabi nilang 11,000. 


Ngunit bakit nga ba pinasara ang ABS-CBN? Ang gobyerno ng Pilipinas ang nagkokontrol sa pagbibigay ng broadcast frequency sa bansa. Kinakailangan ng mga kumpanya na kumuha ng prangkisa na ipinagkaloob ng Kongreso sa pamamagitan ng batas. Ang huling franchise ng ABS-CBN ay inaprubahan noon pang March 30, 1995 at mag-eexpire ngayong taon. Kong walang pahintulot mula sa gobyerno ay hindi maipapalabas ng ABS-CBN ang kanilang sa TV, sa AM at FM radio stations, na gumagamit ng parehong frequency.

Ng mag issue ng Cease and Desist Order(CDO) ang National Telecommunications Commission(NTC) sa ABS-CBN na kung saan ay nag-uutos sa mga indibidwal o negosyo na itigil ang di-umano’y ilegal na aktibidad at ipinagbawal ang pag-restart nito. Sa kaso ng ABS-CBN, nangangahulugan ito na mag-sign off mula sa maraming mga istasyon ng TV at radyo.



May sampung(10) araw ang ABS-CBN upang tumugon at depensahan ang kanilang prangkisa kong karapa-dapat pa ba itong e-renew. Maraming mga mambabatas ang hinatulan ang pagsara, kasama si Senador Grace Poe na namumuno sa komite na namamahala sa pagpapatibay sa mga panukalang batas na naghahanap ng mga batas na magagamit niya para sa pag-renew ng networ.

Sinabi niya na malulutas nila kaagad ang isyu ngunit mabilis na ipinasa ang responsibilidad sa Kamara ng mga Kinatawan, na dapat munang ipasa ang kanilang bersyon ng panukalang batas bago ito malutas ng Senado.

Samantala. sinabi ng ABS-CBN na ipagpapatuloy nila ang kanilang operasyon sa ibang platform.

“We trust that the government will decide on our franchise with the best interest of the Filipino people in mind, recognizing ABS-CBN’s role and efforts in providing the latest news and information during these challenging times,” ani ng ABS-CBN.

ABS-CBN President & CEO: Carlo Katigbak

Dagdag pa ng ABS-CBN, sa oras ng kagipitan ay nandiyan raw ang kanilang network at ngayon na sila na ang nagigipit, sila naman daw ang nangangailangan sa atin. 
 



Hindi alam ng mga artista tungkol sa ABS-CBN Hindi alam ng mga artista tungkol sa ABS-CBN Reviewed by PinoyNewsHub on May 06, 2020 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.