Sports

"Umiba ata ihip ng hangin," komento ng mga netizen sa pahayag ni Angel Locsin

"Umiba ata ihip ng hangin," ito ay ilan sa mga komento ng mga netizen tungkol sa bagong pahayag na inilabas ng aktress na si Angel Locsin. 

Maaalalang marami ang nagalit sa pahayag ni Angel Locsin tungkol sa pag-issue ng Cease and Desist Order(CDO) ng National Telecommunications Commission o NTC na nagpahinto sa pag-ere ng TV at radio programs ng kapamilya network. 



“Sa lahat ng nagmamagaling at nagsasabi na “buti nga nagsara ang ABS”, sana masarap ang tulog ninyo ngayon gabi at nakapagbayad na ng bills. Sana rin masarap rin ang mga napamalengke ninyo na ipapakain sa inyong pamilya. Sana walang magkasakit na kailangan ipagamot at gastusan.” ani ni Angel.

Pero sa bagong pahayag ni inilabas ni Angel Locsin ngayon ay maraming tao ang nagtataka kung bakit biglang nagbago ang mga banat nito sa gobyerno at sa taong bayan. Sa videong inupload ni Angel ay nagpakumbaba ang aktres at sa mga cameraman na sinibak sa trabaho ng ABS-CBN sa di makatarungan na paraan. Handa umano niya ito pakinggan at tulungan na magkaroon ng ikalawang pagkakataon sa buhay.


Dagdag pa niya,nais niyang maging tulay sa pagitan ng mga maliit na manggagawa ng network na inabuso at ng pamunuan ng ABS-CBN upang maayos ang mga sigalot na matagal ng pinagdadaanan nito. Nanawagan din siya sa kanyang mga amo na kung pwede ay bigyan ng pangalawang tyansa muli ang mga cameraman na magtrabaho ulit sa kanilang network.

Dahil dito'y hindi naiwasan ng ilang mga netizen ka ikumpara ang aktres sa ilang mga artistang walang ginawa kundi magalit ng magalit katulad na lamang ni Coco Martin at Kim Chiu.




"Umiba ata ihip ng hangin," komento ng mga netizen sa pahayag ni Angel Locsin "Umiba ata ihip ng hangin," komento ng mga netizen sa pahayag ni Angel Locsin Reviewed by PinoyNewsHub on May 11, 2020 Rating: 5

1 comment:

Powered by Blogger.